(http://www.cbcpworld.com/cinema/revie ws/kubrador.html) Tila hindi na makakaahon sa kahirapan ng buhay ang kubrador sa huweteng na si Amy. Kapag may tumama lamang sa mga tumaya sa kanya siya kumikita---"naaambunan" ng grasya, nababalatuhan, kaya't para ding sugal ang kanyang hanap-buhay---suwerte-suwerte lang. Ang lakas ng pelikula upang labanan ang salot ng huweteng ay nasa pagsasaad ng katotohanan---hindi ito sumisigaw ng "Puksain ang huweteng!" ngunit sa pagpapakita ng katotohanan tungkol sa huweteng, iginagalang nito ang katalinuhan ng manunuod. Hindi mapupuksa ang huweteng kung hindi makikita ang tunay na sanhi nito. ItoâÃÂÃÂy sintomas lamang ng isang malalim na sakit ng tao, ng dinaramdam ng buong sambayanang Pilipino,ang magkakambal na kahirapanâÃÂÃÂt kamangmangan na nag-uugat sa pagiging ganid at tamad natin, sa taliwas nating pang-unawa sa relihiyon, at sa ating maling pakikipag-ugnayan sa tinatawag nating Diyos.8.10,2007