MGA KUMPLIKADONG PAG-IIBIGAN... pag-ibig na pinaglalaban... bawal na pag-ibig na tinutuwid. SULAT KATANUNGAN NI JENNY: Iniwan ko ang aking asawa at 2 anak noon at sumama sa ibang lalaki. Tinanggap ko na si Kristo sa buhay ko at nais kong baguhin ang nagawang kasalanan pero hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa at sino ang dapat kong makasama ngayon. May 2 anak na rin kami ng kinakasama ko. Sana tulungan ninyo ako sa pagdarasal.