*HU WEH TENG - 3 sa 5*SUGAL NG BUHAY. Hangad ng lahat ng tao ang kaginhawahan. Ngunit minsan, sa kagustuhang makamit ito, nagagawang kumapit ng iba sa pagsusugal. Nakatuon ang kuwento kay Amy (Gina Pareno), isang kubrador na nakikipagsapalaran sa ilegal at mapanganib na mundo ng pagkoleka ng mga taya sa jueteng. Ibinahagi sa loob ng mahigit dalawang oras na pagsasalaysay ang pakikipagbuno ni Amy sa masisikip at nakakahilong eskinita upang makahanap ng mga tataya. Sa kabila ng kahirapan, nanatili ang likas niyang pagkatao bilang isang relihiyosa at mapagkawang-gawang kaibigan.
Nagmistulang salamin ng nakapanlulumong sitwasyon ng lipunang Pilipino ang buhay ni Amy. “Maaaring tayong mga Pinoy ganoong ka-cool tungkol sa jueteng dahil naging bahagi na ito ng ating pamumuhay,” ani Pareno. “Pero sa loob-loob natin, hindi natin malaman kung maayos ba ito, kahit na ganoong kagaan lang ‘yung pagdala natin sa isyu.”
(http://www.varsitarian.com/moredetail.asp?id=2204)8.11.2007